Bilateral agreement ng China at ‘Pinas sa isyu ng WPS, plano ni BBM

Bilateral agreement ng China at ‘Pinas sa isyu ng WPS, plano ni BBM

Reddit photo courtesy

Ni Enjel Manato

MANILA — Isa sa naging planong isusulong ni president-elect Ferdinand R. (Bongbong) Marcos, Jr. noong kasagsagan ng kampanya para sa Halalan 2022 sakaling mahalal bilang Pangulo ng Pilipinas, ay ang pagkaroon ng bilateral agreement sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Magugunitang pinanindigan ni Bongbong Marcos na isantabi ang Arbitral Award, sa pagsasabing: “(arbitration) is no longer available to us” at ang tanging opsyon lang na natitira ay ” is to engage the Chinese through bilateral agreement.” Bukod pa sa paniwalang ang problema ay sa pagitan lang ng China at Pilipinas.

At ito ang paraan umano para maayos ang isyu sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Samantala, nanindigan ang Estados Unidos na makatutulong ang Arbitral Award na pumabor sa bansa para maresolba ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

Sa isinagawang Asean Summit sa Amerika, ipinahayag ni U. S. Department spokesman Ned Price na patuloy nilang susuportahan ang Pilipinas at iba pang mga bansa patungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo gamit ang arbitral ruling.

“We look forward to working with the president-elect (BBM) on the shared values and the shared interest that have united our countries across generations,” pahayag ni Price.

Ang Asean group ay kinabibilangan ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Laos, Myanmar, ang Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam.

Nagpasalamat din ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa patuloy na suporta ng Estados Unidos sa Pilipinas. (ai/mtvn)

Leave a Reply