Tolentino: Tuloy lang ang laban Tropa Pilipinas!

Tolentino: Tuloy lang ang laban Tropa Pilipinas!

MANILA — Hinimok ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang sambayanang Pilipino na suportahan ng todo ang Tropa Pilipinas na sa kabila nang ilang pagsubasob sa mga event, asahan pa ring dodomina ang Atletang Pinoy, nakatindig na lumalaban para sa ikatlong puwesto sa kalagitnaan ng ika-31 edisyon ng Southeast Asian Games sa Vietnam.

“We are hoping and praying to maintain our momentum although we lost in some sports like tennis, golf and basketball 3X3, among others, which we had a good chance of winning gold,” wika ni Tolentino, na siya ring PhilCycling head.

“We need to recover [lost golds] and capture more golds from the other sports,” ani pa Tolentino, na ang lakas ay patuloy na nangingibabaw at sinusubukan ang sarili sa abot ng makakaya na mapuntahan ang ilang venue na malayo sa isa’t isa para bigyan ng mataas na moral ang mga atletang sumasabak sa kani-kanilang disiplina.

“We still have boxing, gymnastics, karate, athletics, basketball, weightlifting, taekwondo, wrestling and other combat sports where we could win medals.” aniya.

Laban sa terserang posisyon ang Pilipinas sa medals race, tangan ang 20 golds, 27 silvers at 38 bronzes.

Nanlilisik ang host Vietnam para maging overall champion sa kanilang hinataw na 67 golds, 46 silvers at 44 bronze, sinundan ng Thailand na may 27 golds, 24 silvers at 38 bronzes.

Patuloy namang nagbabanta ang Indonesia sa Pilipinas na may 20 golds sa ika-apat na puwesto.

Si Tokyo Olympian at two-time world champion Carlos Yulo ang nanguna sa pagmamadaling makakuha ng gold medal para sa bansa sa kanyang isinubing tatlong gold, nitong Lunes.

Humapit din ng kanyang dobleng panalo si Kim Mangrobang sa triathlon at duathlon na naisakatuparan sa loob lang halos ng 24 oras.

Sinabi ni Tolentino sa mga Filipino athletes na hindi pa sumasabak na ‘wag mawalan ng pag-asa, na aniya’y: “the whole nation is with them in this fight.”

“Never give up and continue to fight for our country,” pagdidiin pa niya.
(E. Manato/ai/mtvn)

PHOTO CAPTION:

Makikita sa larawan si Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino na buong pagmamalaking ipinapakita ang ikatlong gold ni Carlos Yulo sa pamamagitan ng men’s vault noong Linggo ng gabi.

Leave a Reply