Yulo umani ng gold; Pinoy hilahan kontra Thais para sa 2nd overall

Yulo umani ng gold; Pinoy hilahan kontra Thais para sa 2nd overall

HANOI – Naitala ni Reigning world champion Carlos Yulo ang dalawa pang umaalagwang tagumpay, Linggo at pangunahan ang walong gold medal na nahablot habang nakikipagkarerahan ang Pilipinas sa Thailand para sa second overall sa ika-31edisyon ng Southeast Asian Games dito sa Vietnam.

Muling bumalik sa Quan Ngua Sports Palace kung saan kinoronahan bilang all-around champion noong Biyernes, umalagwa ai Yulo, 22, sa floor exercise, ang event kung saan tinanghal siyang world champion noong 2019, at sinundan ng kanyang lumalagablab na performance sa pagtala ng impresibong tagumpay sa rings.

Pinatunayan lang na ang Gymnastics ang nagsilbing minahan ng ginto matapos magdagdag si Fil-American Aleah Finnegan ng gold sa women’s vault sa Tropa Pilipinas sa paglista ng kanyang ikalawang panalo makaraang pamunuan ang women’s squad sa team title, Sabado, na may silver sa women’s all-around.

Umiskor rin ng krusyal na panalo para sa gold si Kim Mangrobang para maidagdag aa kanyang women’s duathlon title ang kanyang tagumpay sa triathlon, Sabado; sina wushu practitioners Agatha Wong at Arnel Mandal; Fil-Am William Morrison sa shot put; at ang dancesport tandem ni Stephanie Sabalo de Leon at Michael Angelo Marquez sa Latin dance.

Ang eight-gold haul, na pinantayan ang nasubing medalya ng Tropa nung Sabado ang naghatid sa kabuuang 20 medalya ng bansa, kaparehong naitala ng Thailand sa kasalukuyan pero higit na maraming silver medals ang mga Pinoy– 22 kontra 20.

Todo buwelo ang Vietnam sa kanilang milyang agwat na 58-41-41, na ang Pilipinas ay may naaning 20-22-39, Thailand 20-20-37, Indonesia 17-26-16, at Malaysia sa pagkumpleto ng unang lima na may 16-11-29.

“I’m very happy, I didn’t expect to win. But I’m proud of my performance,” sabi ni Yulo, na umiskor ng 15.200 sa floor exercise at 14.400 sa rings.

Balik ngayong Lunes sa pagsabak sa vault, kung saan si Yulo ang kasukuyang world champion; high bar at parallel bar.

Si Finnegan, ang 19-year-old tubong Missouri na dating miyembro ng US national team na naging matagumpay sa Pan American Games noong 2019, ay nagtala ng 13.133 sa vault, at wasakin ang golden bid ng hometown bet na si Nguyen Thi Quynh Nhu na nagkasya lang sa silver sa nailistang 13.033.

Sasabak siya sa floor exercise at balance beam, Lunes sa huling araw ng mga aksyon sa artistic gymnastics kung saan naging magilas ang kampanya ng Pilipinas na may limang gold at dalawang medalyang pilak.

Kulang 24 oras matapos maipanalo ang kanyang ikatlong SEA Games triathlon crown, si Mangrobang, 30, ang naging unang Pinoy athlete dito na masilo ang back-to-back gold medals, sa paghataw sa women’s duathlon sa Tuan Chau Peninsulasa tiyempong 2:13.12.

Si Wong, na humulagpos ang kanyang pagtangan sa wushu’s taijiquan event nung Sabado, ay rumesbak sa bisa ng maigting na panalo sa taijijian event, sa naitalang 9.71 points para biguin ang dalawang Vietnamese entry sa Cau Giay Gymnasium.

Dobleng selebrasyon ang naisampa ni Arnel Mandal para sa Pilipinas nang maipanalo ng wushu team ang ikalawang gold matapos igapos si Laksmana Pandu Pratama ng Indonesia sa finals ng men’s 56kg sanda 2-0 kasama ni Wong, ang 19-year-old beauty kung saan ang natatanging mga ngiti ang magpapatunaw sa puso ninuman , sa pag-akyat nito sa podium para sa medalya.

Magtatapos ang 31st SEAG sa darating ng May 23, 2022. (EM/ai/mtvn)

Carlos Yulo (Olympics photo)

Leave a Reply