5th gold ni Carlos Yulo nakopo sa horizontal bar

5th gold ni Carlos Yulo nakopo sa horizontal bar

Si Carlos Yulo patungo sa kanyang pang-apat na ginto sa pamamagitan ng mens vault exercise

Ni Enjel Manato

MANILA — Tulad nang dapat asahan dinomina ni Carlos Yulo ang event sa vault finals at maidagdag ang masorpresang gold medal sa horizontal bars upang pormal niyang tapusin ang kanyang pag-alagwa sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at mapabilang bilang pinakamagaling na male athlete habang pinangunahan ang siyam na ginto ng Pilipinas nitong Lunes, ( Mayo 16).

Matapos pahangain ang mga manonood sa Quan Ngua Sports Palace sa pamamagitan ng runaway win niya sa vault kung saan umiskor siya ng 14.700 points, bumalik si Yulo, 22, ilang oras at nakatabla para sa unang horizontal bars kasama si Din Phuong Thanh ng Vietnam, na parehong umiskor ng 13.867 points.

Ang horizontal gold ang ika-limang gold medal ni Yulo, ang reigning vault world champion, kabilang na ang kanyang naunang tagumpay sa men’s all-around, floor exercise, at rings, at silver medal finishes sa men’s team event at parallel bars.

Pinantayan niya ang limang gintong nahakot na naitala nang limot nang
sports hero na si Rolando Albuera, na natamo ang tagumpay sa Jakarta 1979 SEA Games kung saan komolekta ang Pilipinas ng kabuuang 24 gold medals at nagtapos sa fourth overall.

Pangkalahatan, ang artistic gymnastics ay nakapaghatag ng 7 gold medals, 4 silvers at isang bronze sa kampanya ng bansa dito, pinakamahusay nang natamo ng Pinoy gymnasts para sa Pilipinas.

Ang iba pang dalawang gintong medalya ay ipinagkaloob ni Fil-Am Aleah Finnegan. isa sa women’s team at vault habang nagdagdag ng medalyang pilak sa balance beam, na nabigo kay Rachel Yeoh Li Wen ng Malaysia (12.567-12.467).

Bukod sa huling araw na dalawang gold ni Yulo, nag-ambag din para sa bansa ang dancesport sa pagsayaw ng apat na gold medals na limitado lang sa isang huling Linggo, si bowler Merwin Tan ang umariba naman sa men’s singles at winakasan ang 11-taong pagkagutom sa ginto ng keglers, at ang 110-meter hurdler ni Clinton Kingston Bautista.

Si Tan, isang 22-year-old left-hander, na humabol lang mula sa hulihan ang namayani sa men’s singles event sa Royal City Hanoi Bowling Lanes, na humagis ng six-bagger sa ikaanim at huling frame para daigin si Yannaphon Larpapharat ng Thailand at Ryan Leonard Lalisang ng Indonesia.

Nirolyo ni Tan ang kabuuang iskor na 1292, sa kanyang pagsisikap na inayudahan ng 294 sa sixth frame matapos umiskor ng 234 sa fifth frame na tumumbok sa kanya sa No. 3 overall. Nakima ni Larpapharat at Lalisang ang silver at bronze, ayon sa pagkakasunod na may iskor na 1286 at 1221.

Sa iba pang mga aksyon, umiskapo ang Gilas Pilipinas sa katiting na 76-73 win kontra perenyal na karibal Thailand sa pagsisimula ng regular men’s basketball sa Thanh Tri Gymnasium. (ai/mtvn)

Leave a Reply