Beteranong Bautista nakabuwenamano vs Singaporean

Beteranong Bautista nakabuwenamano vs Singaporean

BAC NINH CITY – Matikas na sinimulan ni Ian Clark Bautista ang kampanya ng Philippine boxing team sa pag-iskor ng on lopsided unanimous decision win kontra Singaporean Mohammad Hanurdeen Bin Lunes ng gabi sa men’s boxing competition sa 31st Southeast Asian Games sa Bac Ninh Stadium.

Minanduhan ni Bautista, ang 27-anyos na beterano mula Binalbagan, Negros Occidental, ang three-round fight, sa pag-upak ng malulutong na suntok buhat sa iba’t ibang anggulo para mapasang-ayon ang limang hurado at makausad sa men’s featherweight semifinals sa Biyernes.

“We trained a lot for this Southeast Asian Games so we’re praying to accomplish more,” saad ni Bautista, ang 2019 bronze medalist. “I will do my very best to sweep the bouts and hope to bring home gold for our country.”

Susunod na makakasagupa ni Bautista, na miyembro ng Ph team buhat pa noong 2009, si Cambodian Rangsey Sao, na dinaig si Sheikh Rahmatullah ng Malaysia sa kanilang quarterfinals bout.

Isa pang Pinoy boxer, si James Palicte ay tinalo si Vietnamese Vu Thanh Dat 4-1 sa men’s lightweight class para samampa sa quarterfinals laban kay Cambodian Touch Davit sa isa sa bakbakang nakatakda ngayong Martes.

Sabak din ngayong Martes si Thai Open champion at 2019 gold medalist Rogen Ladon kontra Malaysia’s Muhammad Abdul Qaiyum sa men’s flyweight quarterfinals. (em/ai/mtvn)

Leave a Reply