Scammer na nagpapanggap na siya si ‘Atty. Vic Rodriguez’ natunton ng NBI sa bilangguan

Scammer na nagpapanggap na siya si ‘Atty. Vic Rodriguez’ natunton ng NBI sa bilangguan

Ni Arwen Pascua

MANILA — Natunton sa bilangguan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpanggap na Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni Presumptive President Bongbong Marcos.

Kinilala ito na si Ryan Ace Castillejos na nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Nabatid na nag-solicit si Castillejos sa social media at kanyang biniktima ang mga supporter ni BBM para matulungan umano ang biktima ng bagyong Agaton.

Sa pagsisiyasat, nakuha sa kanya ang gamit na cellphone na walang SIM card subalit naroon ang mga pangalan ng kilalang personalidad.

Nakalista sa phone book ng suspek ang pangalang Sandro  Marcos, Atty Liza Araneta- Marcos at iba pang politiko.

Iimbestigahan pa rin kung bakit nakapag-operate si Castilejos ng kanyang panggagantso gayung nakakulong ito. (ai/mtvn)

Leave a Reply