‘Booster shot pa more!’Ni Tracy Cabrera

‘Booster shot pa more!’
Ni Tracy Cabrera

MANILA — Sa gitna ng bumababang bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19, may panawagan sa pamahalaan na gamitin na umano ng Pilipinas ang ipinatutupad na guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (US-CDC) para sa pagbabakuna ng ikalawang booster shot kontra coronavirus disease sa gitna ng banta ng sinasabing mas nakahahawang sublineage ng Omicron variant na BA.2.12.1.

Ayon kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, mahalagang mapanatili ang mataas na proteksyon ng ating populasyon kontra sa Covid-19 dahil patuloy ang pagsulpot ng mga bagong variants at sub-variant sa ibang mga karatig bansa.

Nilinaw ni Concepcion na sa ilalim kasi ng US-CDC guidelines, kuwalipikadong tumanggap ng ikalawang booster hindi lang ang mga nasa hustong gulang (adults) na moderately at severely immunocompromised o mahina ang immune system kundi maging ang mga batang edad 12-anyos pataas na kabilang sa naturang grupo at gayun ndin ang mga indibiduwal na edad 50-anyos pataas at mga adult na tumanggap na ng dalawang dose ng Janssen Ad26.CoV2.S vaccine ng Johnson and Johnson, basta lang lumipas na ang higit apat na buwan mula nang mabakunahan ng unang booster.

Sa Pilipinas, ang mga immunocompromised adult pa lang ang inirekomenda ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na mabakunahan ng karagdagdan o ikalawang booster at sa ngayon, nasa 30,912 pa lang ang tumanggap na nito.

“Medyo nababagalan ako dito sa mga approval process. We’re just putting a sense of urgency. Kasi maganda na ang kalagayan natin . . . sayang eh. All these new found freedom, mobility… That’s why you have to be sure that the wall of immunity is still there. So far most of the medical doctors see that there is no immediate threat. But it doesn’t mean that we should be complacent,” wika ni Concepcion.

“Na-approve ng CDC para sa mga Amerikano. What’s the difference? Pareho naman ang mga bakunang ito, mga brands na ito: Moderna, Pfizer, J &J? Why are we waiting for WHO? Other countries already have their rules. Some follow the CDC. Some have their own. Dito sa atin naka-stalemate tayo. Sayang naman ito. Let’s move. It’s not like we should just relax and take our time . . . The economy is at stake. We have to protect our people. We have to protect our economy,” dagdag nito.

Sinabi pa ng kalihim, kailangang gamitin ang mga bakuna lalo na’t maaaring mag-expire ang mga ito.

“We have 90 million vaccines. These vaccines will not last for years. It will expire, definitely. So how do we use them? . . . Masasayang iyong mga binili natin. At eventually we can see waning immunity that is happening right now,” pagtatapos ni Concepcion. (ai/mtvn)

Leave a Reply