Cray muling namayani sa 400 meter hurdles

Cray muling namayani sa 400 meter hurdles

Fil-Am trackster Eric Cray (Philippine News courtesy)

HANOI – Pinalawig pa ni Fil-Am trackster Eric Cray ang kanyang dominasyon sa 400-meter hurdles, nakatabas ang taekwondo ng ikalawang gold sa kortesiya ni Kurt Bryan Barbosa, tumumbok si Rubilen Amit ng unang gold sa billiards, at sa Muay Thai women’s pair ay nagtagumpay din ngayong Martes kung saan lumaylay ang paghasa ng ginto para sa Pilipinas dito sa 31st Southeast Asian Games.

Binigyang buhay ng mga kritiko matapos hindi makasali sa Tokyo Olympics dahil sa injury, rumesbak ang 33-anyos na si Cray, na nagtala ng 50.41 segundo para sa kanyang ikalimang sunod na 400m gold na nagsimula noong biennial meet sa Myanmar.

Wagi rin sa 2015 century dash sa Singapore at miyembro ng nanalong 4x100m mixed relay team noong 2019, inaasahang sasabak si Cray sa 100 meters ngayong Miyerkoles para hamigin ang personal na ikawalong gintong medalya sa My Dinh National Stadium.

“That would be intense, so I will try to rest up tonight,” ani Cray, ang 2017 Asian Athletics champion.

Habang saksi sa panonood si Philippine Olympic Committee President at Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, mainapirasyong tinalo ni Barbosa si Jaijulla Panachai ng Thailand 16-7 sa men’s minus 54 kg ng taekwondo sa Tay Ho Gymnasium, na nagdagdag sa gintong panalo ni Jocel Lyn Ninoble sa women’s poomsae noong nakaraang Linggo.

Sa bilyar, na palaging produkto sa pag-ani ng karangalan sa mundo ay umayuda rin sa pagtaguyod na maiangat ang bansa , kung saan tinalo ni Amit si Jessica Chan ng Singapore 7-1 sa women’s finals ng 9-ball singles sa Hadong District Sporting Hall .

Isa pang tiyak na ginto ang manggagaling sa billiards ngayon Miyerkoles, kung saan si Carlo Biado, ang US Open champion, ay makakaharap si Johann Chua sa isang all-Filipino finals sa men’s 9-ball singles.

Ang Muay Thai tandem naman nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez ang nagpasigla sa lumalaylay na diwa ng Pinoy sa bandang huli sa pamamagitan ng pag-top sa women’s waikru mai muay contest.

Sa tanging apat lang na golds na nasilo habang isinusulat ito, isang araw matapos sumungkit ng 10-gold, napanatili ng Pilipinas ang pangatlong puwesto sa pangkalahatan sa medal standings na may 34 golds, 37 silvers at 47 bronzes, kung saan ang second placer na Thailand ay nagbanta na lumayo sa pamamagitan ng isang 40-40-62 paghatak.

Patuloy pang umaalagwa ang host Vietnam sa kanilang pangunguna sa 95-62-62 count, kasama ang Singapore sa ikaapat (27-31-32), kasunod ang Indonesia (25-38-35).

Naitala din ng Pinoy athletes ang apat na silver medals, dalawa sa kanila sa athletics, sa tuktok ng walong bronze.

Naging masyadong astig naman ang Gilas Pilipinas para sa Cambodia, umiskor ng runaway 100-32 panalo sa Thanh Tri Gymnasium, habang ang Gilas women, na pinalakas ng maalab na pambungad na panalo laban sa Indonesia, ay nahaharap sa isang malaking pagsubok ngayong Miyerkules laban sa Thai side na target rumesbak. (em/ai/mtvn)

Leave a Reply