Lalaki, arestado sa salang panggagahasa, pagpatay sa 5-yo na babae

Lalaki, arestado sa salang panggagahasa, pagpatay sa 5-yo na babae

STO TOMAS City — Ayon sa ulat ni PCOL. GLICERIO C CANSILAO, Provincial Director Batangas PPO, kay PBGEN. ANTONIO C YARRA, Regional Director PRO CALABARZON, arestado ang isang lalaki sa salang panggagahasa sa Barangay WaWa, Batangas City sa ganap na ika-7:30 ng umaga nitong Mayo 14, 2022.

Kinilala ang akusado na si Mc Nair Villanueva y Lizano, 23 edad, walang trabaho at residente ng Purok 2, Brgy. Wawa, Batangas City.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concern citizen na mayroong nakitang Female Cadaver sa Brgy. Wawa, Batangas City.

Alinsunod dito, dakong 6:00 AM ng parehong petsa nang matagpuan sa likod ng bahay ng suspek ang wala ng buhay na katawan ng biktima na pinaghihinalaang ginahasa ito. Ang biktima ay 5 taong gulang at tubong Purok 2, Brgy Wawa, Batangas City.

Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Batangas CPS Lock-Up Cell.

“Patuloy po namin kayong hinihikayat na makipagtulungan sa PNP sa pamamagitan ng pagreport ng mga ganitong insidente na makikita ninyo sa inyong lugar. Sa paraang ito ay malaki ang inyong magiging ambag para magawa nating mas ligtas ang ating pamayanan” wika ni PBGEN YARRA.

Ayon sa otoridad, droga pa rin diumano ang maaaring kadahilanan kung bakit nakuhang gawin ito ng suspek sa isang walang kalaban-laban na singko anyos na batang babae. (Ogima/Dateline Bats)

Leave a Reply