Richardson, Chua, Archery squad markado ang panalong gold sa Viet Games!

Richardson, Chua, Archery squad markado ang panalong gold sa Viet Games!

HANOI – Kumalas si Fil-American Kayla Richardson sa anino ng kanyang mas kilalang katropa na si Kristina Knott nang maitanghal bilang pinakamatuling babae sa 31st Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium dito, Miyerkules.

Sambulat ang tagumpay ni Richardson sa 100-meter dash, matapos na magpamalas ng sustenadong pulso ang women’s archery team nina Abby Bidaure at sister Pia, kasama si Phoebe Amistoso, sa pagpana ng titulo sa team recurve sa Hanoi National Training Center at tinanghal na bagong singles 9-ball billiards king si Johann Chua sa Ha Dong District Sporting Hall.

Bilang konsolasyon, ang klaradong tatlong gold na nahablot ang nagdala sa Philippine contingent — na suportado ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, kung saan ang chairman, si William Ramirez ay nagdiwang ng kanyang ika-72 kaarawan nitong Miyerkules — para manatili sa ikatlong posisyon.

Sa kabuuan, itinaas ng Pilipinas ang medal gold tally nito sa 36 na may 45 silver at 59 bronze medals, kalapit ang Indonesia na may 35-48-44 medal tally habang isinusulat ito. Ang Singapore ay mayroon ding 35-31-42 medal tally para sa ikalima.

Hindi naman na kaya pang iwasiwas ang pamamayagpag ng host Vietnam na matikas sa 118-72-69, sa pagkakagapos nito sa kabuuang titulo na hawak ng Pilipinas noong 2019, may anim na araw na lang ang natitira sa biennial competition.

Mabagal sa umpisa, kung saan sa kalagitnaan na ng 100-meter finals unti-unting rumemate si Richardson at pirmis na ibinigay ang enerhiya sa finish line sa tiyempong 11.6 seconds para biritan ang 8-runner field kabilang na ang reyna sa 200-m queen, na si Shanti Pereira ng Singapore na pumangalawa sa oras na 11.62. Si Supanich Poolkerd ng Thailand ang pumangatlo sa bilis na 11.66 seconds.

Sa nasabing panalo, si Kayla, na bronze medalist sa 200 meters tatlong araw ang nakalipas sa likod ni silver medalist Kyla, ay patunay na siya’y importanteng kahalili sa na-injured na si Tokyo Olympian Knott, na bigong makasali sa kompetisyon dito sanhi ng plantar fasciitis sa kanyang paa.

“I can’t complain. I’m so grateful. It took me a lot to get here. I thank God for getting me here,” sambit ng tulo- luhang si Richardson, matapos mapayakap sa kanyang utol at kapwa national athlete na si Kyla at amang si Jeff.

Ang 26-taong gulang na si Richardson ay sumegunda lang sa heats sa oras na 12.02 , ngunit naging istratehiya niya itong makapagreserba ng lakas para sa karerang siyang pinakatampok.

“I was just chillin’,” sambit na tumatawang si Richardson. “I was just trying to get to the finals.”

Si Abby Bidaure, 20, na sumabak para sa kanyang ikalawang SEA Games, ang lumitaw bilang pangunahing bidang babae para sa Team Philippines, na pinisak ang bullseye sa huling arrow ng shoot-off sa loob ng 10 may 10 segundo na lang ang natitira sa orasan, na nanguna sa koponan sa pagkuha ng isang 26-25 panalo laban sa host squad.

Ang Hawkeyes ay lumaban pabalik sa isang 57-49 panalo sa ikaapat na frame matapos mahabol ang 1-2 sa unang tatlo, na napilitang isang shoot-off na dumating sa panalong shot ni Abby.

Si Chua, 29, na rumatrat sa dalawang nakagugulat na miscues ni reigning US Open champion Carlo Biado tungo sa paghamig ng 9-6 na panalo at kironahan ang sarili bilang bagong 9-ball billiards champion dito.

Humahabol sa 5-6 iskor sa 12th, nabigo si Biado, 39, na maibulsa ang 9-ball, na natawa na lang matapos ang kanyang miscue. Bigo rin siyang maihulog ang 8-ball three racks sa sumunod na tumbok, na agad namang sinamantala ni Chua ang pagkakataon para tuluyang angkinin ang kanyang unang SEA Games gold.

Ang 9-ball gold ang pangalawa para sa Pinoy cue artists dito, kung saan si Rubilen Amit ang nanalo sa women’s side ng event noong Martes, na tinalo si Jessica Chan ng Singapore 7-2, para sa kanyang ikasiyam na gintong medalya sa biennial event.

Si Biado ang paborito na pamunuan ang all-Filipino finals ngunit hindi sumang-ayon ang mga madaling tira sa ika-12 at ika-15 racks, na ikinagulat ng malaking crowd sa Ha Dong District Sporting Hall.

Si Biado, na nabigo sa kanyang hangaring mabawi ang titulong napanalunan niya noong 2017 Games, ay itinaas ang kamay ni Chua pagkatapos ng laban, at buong pusong tinanggap ang kanyang pagkatalo para sa silver.

Gaya ng dapat asahan tinalo ng Gilas Pilipinas ang Singapore 88-37 sa Than Tri Gymnasium para sa ikatlong sunod na panalo habang tinalo ng Gilas women ang karibal na Thailand 97-81 para sa ikalawang sunod na panalo.

(em/ai/mtvn)

Leave a Reply