6.1-magnitude na lindol naganap sa Calatagan, Batangas — Phivolcs

6.1-magnitude na lindol naganap sa Calatagan, Batangas — Phivolcs

CALATAGAN, Batangas — Isang offshore earthquake na may sukat na 6.1-magnitude sa Richter ang naganap sa lalawigan ng Batangas bandang alas-5:50 a.m., niotng Linggo, May 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Natunton ng Phivolcs ang epicenter ng earthquake 8 kilometers (km) northwest ng Calatagan, Batangas sa lalim na 122 kilometers.

Naramdaman ang banayag na pag-uga magpahanggang sa mga komonidad ng Sto. Batangas at ayon naman sa mga taga-Calatagan, “It was felt as a “moderately strong” earthquake na may Intensity IV.

Mahinang pag-uga rin ang naramdaman sa sukat na Intensity III sa Quezon City; Pasay City; Pasig City; Tagaytay City; Mendez, Amadeo, Alfonso, Cavite; at Obando, Bulacan.

“Slightly weak” naman sa sukat na Intensity II sa Abucay, Bataan; Gapan City, Nueva Ecija; Castillejos, Zambales; Mandaluyong City; Manila City; Makati City; at Tanay, Rizal.

Nasukat naman ng Phivolcs sa Intensity III sa Plaridel, San Ildefonso at Malolos City, Bulacan; Guagua, Pampanga; Tagaytay City; Calapan City, Oriental Mindoro; Batangas City; Olongapo City, Zambales; at Gumaca, Quezon; at Intensity I naman sa Los Baños, Laguna; Iba, Zambales; Pasig City; Quezon City; Tayabas, Polillo, Lopez, San Francisco and Lucban, Quezon; at Baler, Aurora.

Samantala, inulat pa ng Philvolcs na walang itong nakitang banta ng tsunami sa alin mang lugar sa Pilipinas dahil sa naturang lindol.

Ngunit sinabi nito na ang lindol ay tectonic na uri na nagaganap sa pagkilos ng aktibong fault lines sa malapit na lugar.

Gayunpaman, inimok ng Phivolcs ang lahat na maging mapagmasid at handa sa mga aftershocks na maaari pang maganap anumang oras. (Ogima)

Leave a Reply