PSC suportado ang 3rd Inter-Secondary Girls Volleyball sa Davao City

PSC suportado ang 3rd Inter-Secondary Girls Volleyball sa Davao City

MANILA – Sampung iskuwelahan na kinakatawan ang tatlong distrito ng Davao City ang maglalabanan para sa mga nangungunang karangalan sa 3rd Philippine Sports Commission (PSC) Inter-Secondary Girls Volleyball competition na magbubukas sa Sabado hanggang Linggo sa Davao City National High School courts sa Davao City.

Ang volleyfest ay prenisenta ng PSC sa pakikipagtulungan ng Lungsod na Pamahalaan ng Davao sa pamamagitann ng Sports Development Division – City Mayor’s Office at ng Department of Education (DepEd)-Davao.

Ang mga koponang kasali sa kompetisyon na saklaw ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ay ang Davao City National High School, Crossing Bayabas National High School, Calinan National High School, Lower Tamugan National High School, Davao City SPED National High School, Daniel R. Aguinaldo National High School, Baguio National School of Arts and Trades, Talandang National High School, Catalunan Pequeno National High School, at A. L. Navarro National High School.

Sinabi ni PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey, na nangangasiwa sa grassroots project, na ang kumpetisyon ay magbibigay daan para sa mga sekondaryang babae mula sa mga pampublikong paaralan upang ipakita ang kanilang mga kasanayan sa volleyball.
“After the two years of no face-to-face sports program, we’ve come up again with this volleyball project, our third edition in Davao City,” sabi ni Maxey.

Ang mga koponan ay hahatiin sa dalawang bracket na may limang koponan sa bawat pool. Tanging ang nangungunang dalawang koponan mula sa bawat bracket ang papasok sa semis.

Makakakuha ang champion team ng P10,000 habang ang first at second placers ay mag-uuwi ng P7,000 at P5,000, ayon sa pagkakasunod. Makakatanggap din ng consolation prize na P2,000 ang pitong non-winning teams.

Ani Maxey amg kompetisyon ay bahagi ng grassroots program ng PSC na target na makapagtuklas ng talento sa hinaharap sa larangan ng volleyball.

Ang volleyfest ay inisponsoran ng Pocari Sweat. (ai/mtvn)

The Philippine Sports Commission building (GMA Network)

Leave a Reply