Pulis Rumesponde sa Pananaksak, Suspek Patay!

Pulis Rumesponde sa Pananaksak, Suspek Patay!

MANILA — Ayon sa ulat ni PCOL GLICERIO C CANSILAO, Provincial Director, Batangas PPO kay PBGEN ANTONIO C YARRA, Regional Director, PRO CALABARZON, isang insidente ng pananaksak ang naganap ng ika-8:35 ng umaga, nitong Sabado, May 21, 2022 kung saan ang suspek ay napatay at nailigtas ng isang pulis ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, hinarangan umano ng suspek na si ROLLY AXALAN y BULANHAGUI, (DOA) 45 years old, single, jobless, residente ng Brgy. Ilat North, San Pascual, Batangas ang daraanan ng biktima na si AMBROCIO AXALAN y MATUNOG, 48 years old, single, tricycle driver, at residente of Brgy. Ilat North, San Pascual, Batangas na noong panahong iyon ay nakasakay sa kanyang tricycle.

Nang makita ito ng biktima, bumaba ito sa kanyang sinasakyang tricycle upang pakiusapan ang suspek na tumabi muna ngunit biglang sumugod at pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

Nagkataon naman na papasok pa lamang ang pulis na si PAT JONATHAN WEE BACROYA, 26 years old, walang asawa, pulis na kasalukuyang naka-assign sa Bauan MPS at kasalukuyang nakatira sa B5 L1 Lipa Heights Subd, Tambo Lipa City ng kanyang masaksihan ang akto ng pananaksak ng suspek sa biktima. Agad bumaba ang pulis sa kanyang motor at ito’y rumesponde sa lugar ng krimen.

Sinubukan ng pulis na awatin ang suspek ngunit patuloy pa rin nitong pinagsasaksak ang biktima na pawang wala ng pinakikinggan pa kung kaya nagdesisyon ang pulis na barilin ang nasabing suspek upang maisalba ang buhay ng biktima.

Isinugod ang biktima at suspek sa Bauan Doctors Hospital ngunit idineklara dead-on-arrival (DOA) ng attending physician na si Dra. Jenelyn Binay ang suspek.

“I commend Batangas PPO sa pagkakaligtas ni Patrolman Bacroya sa biktima ng pananaksak. Ang amin pong tungkulin bilang pulis ay hindi natatapos kahit po kami ay wala sa istasyon o sa kampo. Tungkulin po naming ang pagsilbihan at protektahan ang bawat mamamayang Pilipino,” wika ni PBGEN YARRA. (Ogima)

Leave a Reply