Vanessa Sarno nakabuwenamano ng gold sa SEAG weightlifting

Vanessa Sarno nakabuwenamano ng gold sa SEAG weightlifting

Vanessa Sarno ipinoste ang bagong record sa 31st SEAG (The Star photo courtesy)

HANOI – Pinatunayan lang na siya’y may ibubuga bilang Asian Champion, matikas na binuhat ni Vanessa Sarno ang isang record-breaking na pag-alagwa sa women’s 71 kg class sa weightlifting nitong Sabado para sa buwenamanong tagumpay dito sa 31st Southeast Asian Games.

Si Vanessa Sarno kasama ang president ng PH weightlifting NSA Monico Puentevella

Isang araw bago mapanatili ni Tokyo Olympics champion Hidilyn Diaz ang korona sa 55kg class at mai-set ang bagong snatch record na 93kg, si Sarno, 18, ay winarat ang kompetisyon, binuhat ang 104kg sa snatch at 135kg sa clean and jerk para sa 239kg total, na lahat ay bagong SEA Games at Philippine records.

Pinagdiinan lang na hindi pinapiyok ang kalabang si Siriyakorn Khaipandung ng Thailand kontra sa bagong umuusbong na bidang si Sarno sa Philippine weightlifting, na umani ng silver sa kabuuang inangat na 223kg, habang ang Indon na si Restu Anggi ay pumangatlo na may kabuuang 212kg.

“I am so happy that I am one of the gold medalists here in the Southeast Asian Games. I never thought I would win the gold because this is my first time here,” saad ni Sarno, ipinagmamalaking produkto ng Bohol na nagwagi ng dalawang gold medals noong April 2021 sa Asian Weightlifting Championships Olympic Qualifying Tournament sa Tashkent, Uzbekistan.

“I really prepared for this seriously and trained very hard,” ani Sarno.

“I was confident in every lift. I never thought of my opponents, I just focused on my lift, nothing else. I cried and prayed every night to win the SEA Games title. I encountered a lot of hardships in my personal life before this competition,” dagdag ni Sarno, na isa sa mga nag- cheer kay Diaz noong Biyernes sa Hanoi Training and Sports Competition Center.

Isa pang Pinoy lifter, si Tokyo Olympian Elreen Ann Ando, ang umani ng silver medal sa women’s 64 kg contest. (em/ai/mtvn)

Leave a Reply