Fernandez ibinida ang PH squad sa closing ceremony ng Viet Games

Fernandez ibinida ang PH squad sa closing ceremony ng Viet Games

VIETNAM — Totoo sa kanyang sinabi ang paghiram sa katagang ‘last man standing’ bilang chef de mission ng Tropa Pilipinas, nanatili si PSC commissioner Ramon Fernandez upang kumatawan sa delegasyon ng Pilipinas nitong Lunes para sa closing ceremony ng 31st Vietnam Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium dito.

Dahil karamihan sa mga miyembro ng PH team ay nakauwi na sa bansa, kasama ni Fernandez ang kanyang mga kinatawan na sina Carl Sambrano at Pear Managuelod ng rollersports at muay thai, ayon sa pagkakasunod, sa okasyon para sa opisyal na pagsasara ng Vietnam Sports, Culture at ni Tourism Minister Nguyen Van Hung.

Nakiisa rin sa kaganapan ang Punong Ministro ng Vietnam na si Pham Minh Chinh, na mag-aapula ng Games Flame, habang ibinababa ang kurtina sa ika-31 na edisyon ng biennial sports showcase na ginanap sa kapitolyo ng Vietnam at mga karatig na lalawigan.

Gayundin ibababa ang bandila ng Southeast Asian Games Federation at ihahatag sa kinatawan ng Cambodia, na siya namang susunod na host ng 32nd SEA Games sa Cambodian capital sa Phnom Penh sa Mayo 2023.

Dapat gaganapin ang regional meet noong Nobyembre 2021 ngunit ito’y naantala ng anim na buwan dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na umabot sa rehiyon.

Ang higit na naapektuhan ng krisis sa virus ay ang Tropa Pilipinas na kinapos sa dapat puspusang pagsasanay kung saan humantong lang sa pang-apat na puwesto sa pangkalahatan sa kabuuang 52 golds , 70 silvers at 105 bronze medals, ayon kay Fernandez.

Gaya ng inaasahan, humakot ang Vietnam ng laksang medalya na may kabuuang (205-125-116), malayong pangalawa ang Thailand (92-103-136) at pangatlo ang Indonesia (69-91-81).

“We finished fourth place among 11 brother-countries in the region. This is our best finish since 1983 ( in the Singapore SEA Games when we placed second to Indonesia) in a SEA Games event outside the Philippines,” ani Fernandez .

“As Chef de Mission, I am truly very proud of this feat! Just as I thank my Philippine Sports Commission family headed by Chairman William Ramirez for their all-out support,” dagdag pa ng PSC commissioner.

“To Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino, maraming salamat po for giving me the honor to head the delegation. To my deputy CDMs Pearl Managuelod and Carl Sambrano and to everyone who contributed one way or the other, daghang salamat,” ani Fernandez . “This was an enlightening and educational experience for yours truly. We fought as one and won as one! Mabuhay ang atletang Pilipino!” bulalas niya.

Bilang isa sa kanyang huling tungkulin bilang lider ng delegasyon ng Pilipinas, dumalo ang opisyal ng PSC sa huling pulong ng CDM noong nakaraang araw kung saan pinasalamatan ng Cambodian CDM Soksival Nhan ang mga Vietnamese organizer sa kanilang mainit na pagtanggap sa pagpapatakbo ng Palaro. “

“Nhan extended his personal invitation in welcoming all of the other 10 participating countries to the 32nd SEA Games in Phnom Pehn next year,” ani Fernandez , dagdag pang mananatili siya hanggang ngayong araw para masigurong lahat ng miyembro ng Tropa Pilipinas ay ligtas silang lahat na makakauwi sa bansa bago siya bumiyahe pabalik ng Manila.

(ai/mtvn/em)

Leave a Reply