PH’s 31st SEAG finish walang dapat ikahiya – Ramirez

PH’s 31st SEAG finish walang dapat ikahiya – Ramirez

MANILA — Sinabi kahapon ni Philippine Sports Commission William “Butch” Ramirez na ang pangkalahatang performance ng bansa sa katatapos na 31st Vietnam Southeast Asian Games ay walang dapat na ikahiya, mabuting pagtatapos sa katunayan kung ikokonsidera ang mga hamon kinaharap ng Tropa Pilipino sa pagsasanay para makaporma sa tuwing ikalawang taong hostilidad ng 11-bansa.

“Our performance in bringing home 52 gold, 70 silver, and 104 bronze medals in placing fourth overall in the medal standings was a good finish despite the various challenges our national athletes had to face amid the COVID-19 pandemic before competing in Vietnam,” diin ni Ramirez.

“It would have been a very good finish had we converted 50 percent of our silvers (to gold) and bronzes (to silver),” noted the PSC chief, who has been daily monitoring closely the progress of the country’s standard-bearers in the Vietnamese capital of Hanoi and surrounding provinces.”

Tinukoy niya na ang pondo ng mga programa sa training upang idebelop ang elitikong atleta para sa mga international competition ay may kamahalan (expensive).

“You need money for coaches, both local and foreign, airfare, transportation and hotel for international exposure to season them, plus the logistical support like proper nutrition, sports psychology, and medicine for athletes discovered abroad or locally,” paliwanag ni Ramirez.

Sa isang indibidwal na nagsimula sa kanyang tungkulin sa PSC bilang komisyoner noong 1998, pagkatapos bilang chairman sa unang pagkakataon mula 2005 hanggang 2009, at pagkatapos ay bilang chairman muli mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, sinabi niya na ang mga panandaliang programa para alagaan ang mga nangungunang atleta ay hindi bababa sa apat na taon habang 12 taon upang maaari silang maging tunay na world-class, basta nagsisimula sila sa murang edad.

Pangunahing inihalimbawa, ani Ramirez, ay si weightlifter Hidilyn Diaz, na isang wildcard entry sa gulang na 17 taong 2008 Beijing Olympics, at kasunod nito nanalo siya ng silver sa 2016 Rio Games bago tuluyang nasungkit ang pinakaunang gold medal ng bansa Tokyo Olympics noong nakaraang taon namg siya’y 30 taong gulang na.

Pinaalalahanan din ng PSC honcho ang bawat isa na ang ahensiya ng pamalahalaan sa palakasan ay hindi lang para suportahan ang Tropa Pilipinas ngunit ay ang maipatupad din ang tunay na grassroots sports program sa buong bansa sa pakikipagtulungan bg Department of Education at local government units.

“The PSC will never achieve its grassroots goals without our partners in the DepEd and LGUs.” aniya.

Gayundin, muling ni-renew ni Ramirez ang kanyang commitment at suporta, “to our private partners, the Philippine Olympic Committee and the National Sports Association,” sa pag-promote at palakasin ang mga atleta para sa pang- internasyunal na laban.

Sinabi niya lang kamakailan na ang Philippine Amusement and Gaming Corp. ay binigyan ang PSC ng mataas na remittances bago ang pandemya, “the PSC still has to get the five percent of its gross income as required by Republic Act 6847 that created the government sports agency.”

“This gross income needs to be remitted by PAGCOR to the PSC so we can fund these two fundamental purposes the government sports agency was created for.”

Gayundin sinabi ng PSC chairman na ang Philippine Sports Institute ay kailangan ang sapat na pondo sa gobyerno para ipagpatuloy ang layunin nito na mapaangat ang kaalaman ng bansa sa sports medicine at tekonolohiya, kabilang na ang sports upang manatiling makasabay sa galing ng ibang bansa sa mundo.

Binanggit niya ang malaking tagumpay ng ‘Pinas sa Tokyo Olympics, kung saan natamo ng mga Pinoy ang isang gold mula kay Diaz, dalawang silver buhat kina boxers Carlo Paalam at Nesthy Petecio, at bronze mula kay fellow pug Eumir Felix Marcial, na pawang produkto ng intensibong pagsasanay at exposure sa ibang bansa na pinondohan ng PSC.

Umaasa siya na ang alokasyon ng PSC sa national government budget, na ang bahagi nito ay napupunta sa grassroots sports, ay tataas alinsunod sa panahon. Nagpasalamat din si Ramirez sa pribadong sektor tulad ng MVP Sports Foundation sa pagtulong sa ilang NSA at hinikayat ang mas maraming institusyon at personalidad na makibahagi at kilalanin ang halaga ng pamumuhunan sa pagpapaunlad ng mga atleta.

Bilang isa sa mga arkitekto ng matagumpay na kampanya ng bansa sa Tokyo at Rio Olympics, 2018 Asian Games at 2019 Philippine SEA Games, iginawad ni Ramirez ang mga positibong resultang ito sa kanyang,
“dedicated board of commissioners through our leadership in guiding and collaborating with our stakeholders.” (em/ai/mtvn)

Leave a Reply