WC Finals:Mavs bumuwelta sa Game 4, 119-109!

WC Finals:Mavs bumuwelta sa Game 4, 119-109!

DALLAS –Tumibag si Luka Doncic ng 30 points at 14 rebounds, at mahiritan pa ng Dallas Mavericks ang Golden State Warriors 119-109 Martes ng gabi (Miyerkules PHT) para maiwasan ang ma-sweep sa Western Conference finals ayon sa ulat ng The Associated Press.

Ito na ang ika-10 double-double sa kanyang 14 na laro ngayong postseason para kay Doncic, na mayroon ding siyam na assist at nakatanggap ng tulong mula sa kanyang supporting cast para mapalawig ang seryeng ito. Siya ay may 40 puntos sa Game 3, nang si Reggie Bullock ay nag-shoot ng 0 para sa 10 shooting na may pitong mintis mula sa 3-point range.

Tumabo si Dorian Finney-Smith ng 23 puntos at si Bullock ay may 18 sa 6-of-10 shooting – lahat ay 3-pointers. Si Jalen Brunson ay may 15 puntos. Ang Mavs ay may 20 sa 43 sa 3-pointers.

Ang kabiguan ang pumigil sa nine-game winning streak ng Warriors sa Western Conference finals games,
bagamat nanatiling nasa kanila pa rin ang kontrol sa serye (3-1) pabalik sa
California para sa Game 5 sa Huwebes ng gabi (Biyernes PHT).

Si Stephen Curry ay may 20 puntos at bumalik sa laro na may 3:22 na lang ang nalalabi – ang kanyang unang paglaro sa fourth quarter – matapos gupitin ng Warriors ang 29 puntos na deficit sa 110-102.

Ngunit hindi sila nakadikit kahit nasa loob na si Curry at iba pang starters na bumalik sa floor.

Pagkatapos nag-drive si Doncic para sa isang dunk at dinukot ni Bullock ang kanyang ikaanim na 3-pointer.

Wala pang NBA team na nakabalik mula sa 3-0 deficit para manalo sa isang serye. Tatlo lamang sa 146 na koponan na nalaglag sa ilalim ang nakapuwersa pa ng Game 7.

Si Jonathan Kuminga ay may 17 puntos at Andrew Wiggins ng 13 puntos para sa Warriors, na mayroong pitong
players ang nakaiskor ng double figures. (ai/mtvn)

Leave a Reply