NBA family nalugmok sa malagim na shooting incident sa Texas

NBA family nalugmok sa malagim na shooting incident sa Texas

MANILA — Nanlulumong nagpahayag si Warriors coach Steve Kerr tungkol sa naganap na insidente ng pamamaril sa Texas school bago ang Game 4 ng Western Conference finals sa Dallas.

Inilabas ng NBA ang sumusunod na pahayag noong Martes bilang tugon sa malagim na shooting incident sa isang elementarya sa Texas na ikinamatay ng hindi bababa sa 18 bata at ikinasugat ng iba.

“The NBA family is devasted by the horrific shooting that took place today in Uvalde, Texas. Our thoughts and heartfelt condolences go out to the victims’ family and friends, and the entire Robb Elementary School and Uvalde community” ayon sa statement ng NBA.

Ito na ang kalunos-lunos na pangyayari ng pamamaril sa isang U.S. grade-school mula nang mapatay ng isang gunman ang 20 bata at anim na matatanda sa Sandy Hook Elementary sa Newtown, Connecticut, halos isang dekada na ang nakalipas.

Bago ang Game 4 ng Western Conference finals sa Dallas, nagpahayag si Warriors coach Steve Kerr hinggil sa malagim na pamamaril noong Martes at hinimok ang Kongreso na mag-utos ng background checks para sa mga pagbili ng baril.

Ani Kerr: “I’m fed up. I’ve had enough. We’re going to play the game tonight. But I want every person here, every person listening to this, to think about your own child or grandchild, mother or father, sister, brother. How would you feel if this happened to you today?”

Rumesponde din ng pahayag sina LeBron James, Jayson Tatum at Chris Paul at iba pang players hinggil sa nasabing trahedya sa socmed.

“My thoughts and prayers goes out to the families of love ones loss & injured at Robb Elementary School in Uvalde, TX! Like when is enough enough man!!! These are kids and we keep putting them in harms way at school. Like seriously “AT SCHOOL” where it’s suppose to be the safest! -sa tweet ni LeBron James.

“Breaks my heart hearing this news, no parent should ever have to lose their child. Praying for the families of those kids and the teacher 🙏🏽❤️… this is devastating. sa tweet naman ni Tatum

“Absolutely tragic. We have to do better as a country!! I and my family are sending prayers to the families affected today at Robb Elementary 🙏🏾 – Chris Paul. (NBA/em/ai/mtvn)

Leave a Reply