NBA: Warriors dinurog ang Mavericks 120-110, balik – NBA Finals

NBA: Warriors dinurog ang Mavericks 120-110, balik – NBA Finals

SAN FRANCISCO — Hinarabas ni Klay Thompson ang 32 puntos at dumiretso na ang Golden State Warriors na akuin ang kanilang ikaanim na NBA Finals sa nakalipas na walong season matapos durugin ang Dallas Mavericks 120-110 sa Game 5 ng Western Conference finals, Huwebes ng gabi (Biyernes PHT) .

Umiskor si Thompson ng 19 points sa first half, kasama na ang isang 3-pointer at pinatulan na rin niya ang ‘signature shake’ ng teammate na si Stephen Curry habang ang Warriors ay humabol sa 17 puntos na halftime lead at rumatsa sa natitirang bahagi ng aksiyon.

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 18 puntos at 10 rebounds, umiskor si Draymond Green ng 17 puntos at may 15 puntos at siyam na assist si Curry para sa Golden State.

Sinansala ni Luka Doncic ang mabagal na simula upang umiskor ng 28 puntos para sa Mavericks. Nagdagdag si Spencer Dinwiddie ng 26.

Matapos mapalampas ang playoffs noong 2020 at ’21 sa back-to back injury-plagued season, babalik ang Warriors sa pamilyar na yugto. Sila ang unang koponan na gumawa ng anim na finals appearances sa loob ng walong taon mula noong nagkaroon ng pares ng three-peat ang Chicago Bulls na pinamumunuan ni Michael Jordan mula 1991-93 at 1996-98.

Iho-host ng Golden State ang mananaig sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Boston at Miami sa Hunyo 2 sa Game 1 ng NBA Finals. Hawak ng Celtics ang 3-2 lead patungo sa Game 6 sa kanilang kuwadra Biyernes ng gabi (Sabado PHT). (AP/em/ai/mtvn))

Leave a Reply