Butler umiskor ng 47 points, Heat humirit sa Celtics ng Game 7

Nabitawan ni American-Nigerian power forward Bam Adebayo ng Miami Heat ang bola matapos bumangga sa bantay niyang Celtic ngunit nagpatuloy ang una at napuwersa ang winner-take-all na Game 7 sa Eastern Conference

BOSTON — Kumalampag si Jimmy Butler ng 47 points, siyam na rebounds at walong assists at mapuwersa ng Miami Heat ang Eastern Conference finals sa decisive Game 7 nang talunin ang Boston Celtics 111-103 Biyernes ng gabi ( Sabado PHT).

Sampung taon matapos sumalaksak si LeBron James ng 45 puntos sa Boston para tulungan ang Heat na maiwasan ang eliminasyon sa Game 6 ng conference finals diretso una sa kanilang back-to-back NBA titles, si Butler ay may 17 puntos sa fourth quarter para pamunuang maibalik ang serye sa Miami.

Ang posibleng panalo sa kanilang teritoryo sa Linggo, ang Heat ay uusad sa NBA Finals sa ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong taon.

Sa pinaka-back-and-forth na laro ng serye, nakuha ng Boston ang 97-94 na bentahe sa 3-pointer ni Derrick White na wala pang limang minuto para maglaro — ang unang tiyansa na ang lahat ng serye ay nagpalitan ng tirada sa huling yugto. Sumagot si Kyle Lowry ng tres at sumunod na nagdagdag ng dalawang libreng buslo habang umiskor ang Miami ng 11 sa susunod na 13 puntos.

Nagtapos si Lowry na may 18 points at 10 assists bago na-foul out sa natitirang 2:18. Gumawa si Butler ng 16 sa 29 na tira, na tumipa ng 4 sa 8 mula sa 3-point range at lahat ng 11 free throws.

Si Jayson Tatum ay may 30 puntos at siyam na rebounds at si Derrick White na nagmula sa bench ay umiskor ng 11 sa kanyang 22 puntos sa fourth quarter para sa Boston. Target ng Celtics na maabot ang finals sa unang pagkakataon mula noong 2010. (AP)

Leave a Reply