SUNOG SA PALANCA UMABOT SA IKATLONG ALARMA

SUNOG SA PALANCA UMABOT SA IKATLONG ALARMA

SA kabila ng naging pahayag ng PAG-ASA ang opisyal na pagsisimula nang panahon ng tag-ulan, sumiklab ang isang sunog nitong Linggo sa isang warehouse sa Carlos Palanca, Quiapo, Manila.

Maagap namang rumesponde ang mga tauhan ng Disaster Risk Reduction and Management Office at mga bombero mula sa iba’t ibang lugar ng Kamaynilaan at naapula agad ang apoy na umabot sa ikatlong alarma.

Walang naiulat na nasaktan sa naturang sunog, ngunit tinatayang milyon ang halaga ng napinsalang kagamitan kabilang ang mobile phone, mga paraphernalia at bisikleta.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/EGR/ai/mtvn)

Leave a Reply