5 arestado sa drug raid ng PDEA

5 arestado sa drug raid ng PDEA

MANILA — Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Region 1 kasama ang lokal na Philippine National Police ang isang apartment sa Upper Pinget, Baguio City kung saan naaresto ang lima katao.

Batay sa report ng PDEA kay director-general, Wilkins Villanueva, nadakip ng mga operatiba na armado ng search warrant ang ang mga suspek kasama na ang tatlong babae at dalawang subject ng search warrant na sina Manuel Doro at Cristian Sevillano.

Lahat sila ay nahuli sa akto nagda-drug session din sa loob ng apartment.

Nadiskubre sa paghahanap ang sampung (10) sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag ng RA 9165 laban sa limang indibidwal.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply