Advisory Group Members, Advocacy Support Group ng Batangas police pinarangalan

Advisory Group Members, Advocacy Support Group ng Batangas police pinarangalan

BATANGAS City — Binigyang pagkilala ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa ilalim ng pamumuno ni BPPO Director PCol Glicerio Cansilao ang mga miyembro ng Provincial Advisory Group at Advocacy Support Group sa suporta ng mga ito sa mga programa ng kapulisan na malaki ang naitulong sa naganap na Institutionalization Evaluation Process (IEP) Impact Validation noong Mayo 19, 2022 sa Ginazel’s Hotel and Restaurant sa Barangay Gulod Labac dito.

Ang sertipiko ng pagkilala ay iginawad sa mga ito sa ginanap na Traditional Flag Raising and Awarding Ceremony ngayong araw ng Lunes, Mayo 30, 2022 sa Camp Gen. Miguel C Malvar, Batangas City.

Kabilang sa mga binigyang pagkilala ay ang Chairman ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) na si Dr. Rolando A. Tumambing, ang Vice-Chairman nito na si Hon. Armando C. Lazarte, at ang mga miyembro na sina Hon. Narciso B. Bulanhagui, Pastor Ryan M. Custodio, Pastor Ephraim T. Segovia, Mrs. Pauline P. Bondad, at Dr. Agnes S Ramirez.

Sila ay tumayong Focus Group Discussion (FGD) participants sa nasabing IEP Impact Validation.

Samantala, ang iba pang binigyang pagkilala mula sa Provincial Advocacy Support Group ay sina KKDAT Treasurer Marc Aldwin Famillara, Force Multipliers President Eric Landicho, LGBT Vice President Adam Balasa, Kaligkasan Member Philippine Pagara, at Women’s Group President Dr. Sherill Villanueva na tumayo naman bilang Key Informant participants sa kaparehong aktibidad na bahagi ng Peace and Order Agenda for Transformation and upholding of the Rule of Law (P.A.T.R.O.L.) Plan 2030 ng PNP.

“Higit na umaayos at gumaganda ang kalagayan ng ating komunidad lalo’t higit dito sa CALABARZON dahil sa patuloy nating pagtutulungan para maging mas ligtas ito. Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong suporta at pag-agapay sa inyong kapulisan mula sa Initiation Stage ng aming PNP P.A.T.R.O.L Plan at ngayon ay makakamit na natin ang inaasam na tagumpay sa Institutionalization Stage. Let us go for the gold!” ani PBGen Yarra.
(Ogima)

Leave a Reply