Caloocan umaksyon na sa fogging, misting kontra dengue

Caloocan umaksyon na sa fogging, misting kontra dengue

Bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan, nagsagawa ng fogging at
misting ang mga kawani ng City Environment and Management Department
sa iba’t ibang bahagi ng lungsod ng Caloocan.

Ito’y upang maiwasan ang paglaganap ng dengue sa lungsod lalo na ngayong tag-ulan.

Pinaalalahanan din ng pamahalaang lungsod ang mga mamamayan na
panatilihing malinis ang kapaligiran upang makaiwas sa sakit na
dengue na laganap na sa ibang lugar sa bansa.

(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply