GOOD JOB! Batangas Provincial GSO, binigyang parangal sa 14th Regional PAGSO Conference

GOOD JOB! Batangas Provincial GSO, binigyang parangal sa 14th Regional PAGSO Conference

Napapagitnaan sa larawan nina Vice Gov. Mark Leviste (kaliwa) at Gov. Dodo Mandanas (kanan) ang awardee na si Ginang Paulita Maneja

STO TOMAS City, Batangas — Binigyang-pagkilala bilang pinaka-epektibo at mahusay ng General Services Officer (GSO) sa buong Region IV-A (CALABARZON) si Ginang Paulita Maneja, GSO ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa isinagawang 14th Regional Conference ng Philippine Association of General Services Officers (PAGSO) kamakailan.

Ginanap ang Regional PAGSO Conference, na may temang “Stand Resilient, Steadfast and Immovable despite the challenges / Tunay na Lingkod Bayan, Kaagapay at Gabay sa Panahon ng Pandemya” sa Tayabas, Quezon.

Malugod namang binati si Ginang Maneja ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas at Vice Gov. Mark Leviste, sa isang flag ceremony kung saan ibinahagi ang natanggap na pagpupugay ng Batangas Province GSO.

Tumanggap din ng pagkilala ang mismong tanggapan ng General Services Office para sa kanilang exemplary performance sa pagsuporta sa mga programa at aktibidad ng mga local government units. (Janssen Olimba, Batangas PIO/Ogima)


Leave a Reply