Mahigpit sa seguridad ipinatutupad matapos ang magkakasunod na pagsabog sa Mindanao

Mahigpit sa seguridad ipinatutupad matapos ang magkakasunod na pagsabog sa Mindanao

Ni Arwen Pascua

MANILA — Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations, Major General Valeriano De Leon (nasa larawan) ang lahat ng Regional at Unit Commanders na magpatupad ng mas mahigpit na seguridad sa kani-kanilang area of responsibility kasunod ng mga nangyaring pagpapasabog sa Mindanao.
Ayon kay De Leon, nagpalabas na siya ng memorandum para sa pagsasagawa ng regular na inspeksyon sa lahat ng transport terminals; mga pasylan, pampublikong lugar at iba pang mga matataong lugar.

Kasama na rin dito ang pagsasagwa ng checkpoints sa mga pangunahing kalsada at pinaigting na intelligence-gathering operations.

Matatandan na May 26 noong nagkaroon ng pagsabog sa Koronadal City, South Cotabato at Tacurong City, Sultan Kudarat.

Habang nitong May 30 ay nagkaroon ng kambal na pagsabog sa Isabela City, Basilan. (ai/mtvn)

Leave a Reply