Mindanao bombing suspects naka-enkwentro mga otoridad; 1 patay, 1 arestado

Mindanao bombing suspects naka-enkwentro mga otoridad; 1 patay, 1 arestado

Ni Arwen Pascua

MANILA — Patay ang isang pinaghihinalaang bus-bomber at naaresto ang kanyang kasama matapos maka-enkwentro ng tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang teroristang grupo na pinaniniwalaang responsable sa Tacurong at Koronadal bombing.

Ayon kay Lt. Col. Rommel Mundala, Commanding Officer of 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion, naganap ang 30-minutong enkwentro kahapon sa Purok 7, Barangay Dunguan, M’lang, North Cotabato.

Kinilala ang nasawing suspek na si Monir Lintukan; at ang kanyang naarestong kasamahan na si Randy Saro alias ‘Bobong’.

Sinabi naman ni Col Jovencio Gonzales, ang dalawa ay miyembro ng Dawlah Islamiyah Maguindanao Group (DI-MG) na pinamumunuan ni Almoben Camen Sebod alias ‘Polok’, kasama si Omal Kamsa, ng BIFF-Karialan Faction.

Aniya pa ang grupong ito ang pinaghihinalaang nasa likod ng pambobomba sa Parang, Maguindanao; M’lang at Aleosan sa North Cotabato at ang kambal na pagsabog sa Koronadal City at Tacurong City noong nakaraang linggo.

Siniguro naman ni Brigadier General Eduardo Gubat, 6th Infantry (Kampilan) Division, Acting Commander na hindi sila titigil sa pagtugis sa mga teroristang responsable sa pambobomba sa kanilang area of responsibility. (ai/mtvn)

Leave a Reply