P.544B halaga ng ka-shabuhan nasamsam sa Cavite

P.544B halaga ng ka-shabuhan nasamsam sa Cavite

MANILA — Nagsagawa ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency kasama ang ilang tropa ng kapulisan at sa dalawang magkahiwalay na drug operation na sinalakay ng mga operatiba ay may nasamsam silang humigit’kumulang na P544 bilyon na halaga ng kadrogahan sa lalawigan ng Cavite.

Ang joint operation ng PDEA ay sinalihan ng TF NOAH, Team Navy, PDEG FILD at PNP 4A sa magkakahiwalay ng lugar ng Cavite ngayon araw.

Unang isinagawa ay ang operasyon nitong Hunyo 2, 2022 ng dakong alas-8 ng umaga sa lugar ng Block 34 Lot 14 Hyacinth St., Camella Homes, Dasmariñas, Cavite.

At batay sa report kay PDEA director-general Wilkins Villanueva kinilala ang mga suspek na sina Dominador Robasto Omega Jr., at Siegfred Omega Garcia.

Nakasamsam ng mga operatiba ng PDEA sa mga suspects ang may 60 kilos ng pinaghihinalaang Shabu na may tinatayang halaga ng P408,000,000, butane stove kagamitan sa pagluluto, mga galon ng hindi kilalang mga kemikal, hugis-parihaba na plastic na lalagyan na may puting mala-kristal na substansiya, air purifier (ginagamit para sa pagtatago iba’t ibang kagamitan sa droga) at isang (1) Android phone mga card ng pagkakakilanlan.

Pangalawang sinalakay ng mga operatiba ang lugar ng Block 11, Lot 1 Buenavista Townhomes, General Trias, Cavite kung saan naaresto sina Elaine Maningas y Calusin, Ricardo Santillan y Santiago, at Laurel Dela Rosa y Salceda.

Nakumpiska sa kanila ang mga piraso ng ebidensya na 20 kilos ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng P136,000,000; P1,000 cash, apat (4) na unit na Android phone, dalawang (2) Analog Phone; at mga card ng pagkakakilanlan.

Ang mga suspect ay nahaharap ng kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 comprehensive dangerous drugs ng 2002.

Ang mga nakumpiskang Shabu ay may kabuuan timbang na 80 kilos at nagkakahalaga ng P544M. (ai/mtvn) Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA

Leave a Reply