Batangas dairy farmers pinagkalooban ng P800K+ na tulong pinansyal ng provincial gov’t

Batangas dairy farmers pinagkalooban ng P800K+ na tulong pinansyal ng provincial gov’t

BATANGAS City — Upang matulungang makabangon muli sa pagkakalugmok dahil sa pandemya, pinagkaloobang ng pamahalaang lalawigan ang dairy farmers ng Batangas ng tulong-pinansyal.

Isang cheque na nagkakahalaga ng ₱849,050 ang ipinagkaloob ng office of the provincial governor sa Batangas Dairy and Multi-Purpose Cooperative nitong Huwebes, ika-2 ng Hunyo 2022.

Personal na ipinagkaloob ni Governor DoDo Mandanas, kasama sina Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) Head Celia Atienza at Provincial Veterinary Head, Dr. Rommel Marasigan, ang nasabing cheque.

Ang tulong-pinansyal na ito ay gagamitin upang mas mapaunlad pa ang dairy industry sa lalawigan ng Batangas. (Ogima)

Leave a Reply