‘Failure of intelligence’ sisilipin sa magkakasunod na pagsabog sa Mindanao

‘Failure of intelligence’ sisilipin sa magkakasunod na pagsabog sa Mindanao

Ni Arwen Pascua

MANILA — Nagbabala si Philippine National Police (PNP) Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon sa mga police commanders na mananagot sila kapag hindi sila makagawa ng aksyon para mapigilan ang pambobomba sa kani-kanilang area of responsibility.

Ang babala ay ginawa ni De Leon, alinsunod sa utos ni PNP Officer-In-Charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr., kasunod ng apat na pagsabog na naganap sa Mindanao kamakailan.

Ayon kay De Leon, pinaimbestIgahan na ng PNP OIC sa Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 9 kung nagkaroon ng “failure of intelligence” sa kambal na pagsabog sa Isabela City, Basilan na nangyari ilang araw lang kasunod ng pambobomba sa Koronadal City, South Cotabato at Tacurong City, Sultan Kudarat.

Matatandaang kasunod ng unang dalawang pagsabog, nagpalabas ng memorandum si De Leon sa lahat Regional Directors at Unit Commanders na paigtingin ang intelligence monitoring at seguridad sa kani-kanilang area of responsibility upang hindi na maulit ang insidente.

Subalit tatlong araw lang ang nakalipas ay nangyari ang dalawang pagpapasabog ng improvised bombs sa parking lot ng isang fast food outlet at bus terminal sa Isabela City. (ai/mtvn)

Leave a Reply