Mahalagang council meeting idinaos ng Batangas Provincial Gov’t

Mahalagang council meeting idinaos ng Batangas Provincial Gov’t

BATANGAS City — Upang mapaghandaan ang lahat ng uri ng emergency o kalamidad sa hinaharap, idinaos ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas isang mahalagang “Joint Full Council Meeting.”

Pinangunahan ito ni Batangas Governor DoDo Mandanas at nilahukan ng mga hepe ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC).

Ito’y ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City nitong Huwebes, ika-2 ng Hunyo 2022.

Maliban sa council heads, dinaluhan din ang nasabing pagpupulong ng mga punong bayan at mga kinatawan mula sa pamahalaang lokal, provincial representatives ng mga national agencies sa lalawigan, at kabalikat na mga pampubliko at pribadong sektor.

Ang naturang mga konseho ay silang nangunguna kapag may kalamidad o anumang emergencies sa komonidad na kailangan ng agarang aksyon.

(Ogima)

Leave a Reply