Solo parents nakatanggap ng financial assistance sa LGU ng Navotas

Solo parents nakatanggap ng financial assistance sa LGU ng Navotas

Nasa 350 na mga registered solo parents sa lungsod ang nakatanggap ng P2,000 financial assistance sa ilalim ng “Saya All, Angat All Tulong Pinansyal” ng local government unit ng Navotas kung saan lahat ng Navoteños solo parents ay kwalipikado upang makatanggap ng naturang financial assistance.

Pinayuhan sila na makipag-uganayan lamang sa Social Welfare and Development Office. Ito’y nakapaloob sa House Bill 8097 na naglalayon na palawakin ang mga benepisyo sa ilalim ng Solo Parents Welfare Act kabilang na ang P1,000 cash subsidy, scholarship programs and grants, 10% discount and VAT exemption, automatic Philhealth coverage, 7-day parental leave with pay, at iba pa.

(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply