12 BARAGAY SA SORSOGON APEKTADO NG PAGPUTOK NG MT. BULUSAN

12 BARAGAY SA SORSOGON APEKTADO NG PAGPUTOK NG MT. BULUSAN

Ni Arwen Pascua

MANILA — Labindalawang barangay na sa Juban at Irosin sa Sorsogon ang apektado ng pagputok ng Mt. Bulusan kung saan nabalot na ang mga ito ng ashfall.
Habang tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) na una silang rumesponde para maisalba ang mga kababayan na naroon.

Sinabi ni PNP Directorate for Operations, Maj. Gen. Valeriano De Leon na sa pamamagitan ng Area Police Command sa pamumuno ni Maj. Gen. Rhoderic Armamento ay kontrolado na ang sitwasyon doon.

“The PNP through our APC in the person of soon to be Lt. Gen. Rhoderick Armamento is on top of the situation,” ayon kay De Leon.

Tiniyak din ni De Leon na ligtas ang mga residente sa nabanggit na barangay at walang naulat na nasaktan subalit pinag-iingat pa rin ang mga ito at pinayuhang magsuot ng face mask.

“There are 12 barangays that are affected. No casualty has already been recorded but the phreatic eruption is being closely monitored and our coordination with the concerned agencies to ensure that a corresponding response from the PNP will be in place,” dagdag ni De Leon.

Sa datos na hawak ng PNP, may 44 families at 151 individual ang nasa evacuation centers na sa ngayon habang 87 pulis naman ang naka-deploy.

Maari aniyang madagdagan ang bilang ng pulis habang on call din ang kanilang Reactionary Standby Support Force (RSSF). (ai/mtvn)

Leave a Reply