Batangas PNP: Krimen Bumaba, Walang Election-related Crimes; tanging carnapping, motorcycle theft ang tumaas

Batangas PNP: Krimen Bumaba, Walang Election-related Crimes; tanging carnapping, motorcycle theft ang tumaas

STO TOMAS City — Bumaba ang crime rate sa Lalawigan ng Batangas nitong mga nakaraang buwan at wala ring naitalang election-related incidents nitong nakalipas na 2022 national and local elections noong May 9, 2022.

Ito ay ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP)-Batangas Province sa Provincial Peace and Order Council (PPOC) meeting noong ika-2 ng Hunyo 2022 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ayon sa ulat ni PLtCol. Dwight Fonte, Jr., na siyang kinatawan kay Batangas PNP Provincial Director PCol. Glicerio Cansilao, makikita ang pagbaba ng iba’t-ibang krimen sa lalawigan, kabilang ang rape, murder, theft, robbery, physical injury, at homicide.

Tanging ang kaso ng carnappinng ng mga motorsiklo ang tumaas.

Binigyang-diin sa talakayan ni Gov. DoDo Mandanas ang pagkakaroon ng mapayapa at maayos na halalan sa buong lalawigan, matapos ibahagi ni Fonte na walang naiulat na anumang kasong may kinalaman sa May 2022 elections sa lahat ng bayan at lungsod ng Batangas.

Ayon pa sa ulat ni Fonte, mula April 2022 hanggang May 2022, nagkaroon ang mga pulis ng 354 Anti-illegal Drug Operations na dahilan upang madakip ang 395 na mga drug personalities, kasama rito ang 444.29 na gramo ng shabu at 80.7 grams ng marijuana na nakumpiska, na nagkakahalaga ng mahigit ₱3 Milyon.

Ang pagpupulong ay dinaluhan din nina Provincial Administrator Willie Racelis, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro, Provincial Assistance for Community Development Office Department Head Fredesvinda Mendoza, Department of the Interior and Local Government Batangas Provincial Director Abigail Andres, Provincial Planning and Development Office Department Head, Engr. Evelyn Estigoy, Provincial Engineer Gilbert Gatdula.
(Capitol PIO/Ogima)

Leave a Reply