Chief photog ng Maharlika TV News Benjie Cuaresma nahalal na VP ng Manila City Hall Press Club

Chief photog ng Maharlika TV News Benjie Cuaresma nahalal na VP ng Manila City Hall Press Club

MANILA — Nahalal sa pangalawang pinakamataas na puwesto sa Manila City Hall Press Club (MCHPC) ang chief of photographers at news assignements na si Benjamin Cuaresma ng Maharlika TV News sa ginanap na eleksiyon ng mga bagong opisyales ng club para sa taon 2022-2024 nitong Biyernes, June 03, 2022.

Bago nahalal na Vice President ng MCHPC si Cuaresma ay dati ring siyang nagsilbing direktor ng isang termino.

Bukod kay Cuaresma na nahalal na Vice President, muling namang nailuklok sa kanyang ikalawang termino bilang Presidente si JR Reyes ng Remate, habang nanatili din sa ikalawang termino bilang Secretary si Gene Adsuara ng People’s Balita, ibinalik din bilang Treasurer si Jocelyn Tabangcura-Domenden ng Remate Online; at Auditor naman si Emmanuel Mortega ng DZXL.

Ang mga bumubuo ng Directors ay sina Crismon Heramis bilang Chairman of the Board, Lorenz Tanjoco ng Radyo Pilipinas; Paul Ang ng Pilipino Mirror; Danilo Garcia ng Pilipino Star Ngayon (PSN); Nan Ramos ng Police Files Tonite; Marvin Empaynado ng Peoples Tonite at Rey Ang ng DZEC

Kabilang sa mga Advisers ng grupo sina Aya Yupangco ng DWIZ; Fr. Rev. Bishop Jesus Basco ng People’s balita at Joey Dizon ng DZEC.

Ang MCHPC ang “oldest press organization” sa buong bansa at kinikilala rin ito bilang “Ina”ng National Press Club (NPC). (ai/mtvn)

Leave a Reply