Groundbreaking ceremony ng Taguig city Science Terminal and Exhibit Center isinagawa

Groundbreaking ceremony ng Taguig city Science Terminal and Exhibit Center isinagawa

MANILA — Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang Taguig City Science Terminal and Exhibit Center sa loob ng DOST compound, General Santos Ave. Bicutan, Taguig city, nitong Huwebes (June 9).

Pinangunahan ni Senator-elect Alan Peter S. Cayetano, 1st District of Taguig & Pateros Rep., ang nasabing seremonya na isa sa proyekto ng Dept. of Science and Technology city Gov’t (DOST).

Senator Peter Cayetano delivers his speech during the groundbreaking.

Pinuri ni Cayetano ang mga taong nasa likod ng nasabing proyekto.

Ayon nga kay Cayetano, na kung ano itinanim ito rin ang iyong aanihin.

Kaya ang bagong gusaling itatayo mayroon kinalaman sa science, innovation at technology.

Bilang isang Senador naman, sinabi ni Cayetano na sa science walang administrasyon at oposisyon. Kung tama ang ginawa ng gobyerno naroon siya para sumuporta. At kung mali naroon pa rin siya para magsabi kung ano ang tamang gagawin.

Senator Peter Cayetano, Sec. DOST Prof. Fortunato T. De La Pena and Hon. Ma. Laarni L. Cayetano. (left to right)

Samantala, ang layunin naman ng pagtatayo ng 5-storey building na mayroon basement at roof deck, upang maorganisa ang transfort system sa isang lugar na maaaring mapaunlakan ang mga pasahero, commuters at pedestrians sa loob ng transfort facility na maaring maging komportable at maginhawa.

Higit sa lahat mababawasan din ang pagsisikip ng trapiko sa naturang bisinidad sa pamamagitan ng pag-aalis ng pila ng sasakyan sa daanan.

Leave a Reply