GAB nakiisa sa 37th IBF Convention

GAB nakiisa sa 37th IBF Convention

MANILA — Dumalo ang Games and Amusements Board (GAB) sa prestihiyosong 37th International Boxing Federation Convention nitong Mayo 24-28, 2022 sa Longbeach, California.
Kinikilala ng International Boxing Hall of Fame, ang IBF ay isa sa mga pinakamalaking organisasyon sa boksing na nagpapatibay sa mga mabibigat at dekalidad na laban sa boksing sa buong mundo.

Ang kinatawan ng bansa sa 5-araw na convention ay sina GAB Chairman Baham Mitra at bagong hinirang na GAB Commissioner na si Raul Lagrisola, na may pangunahing layunin na isulong ang propesyonal na sports ng bansa, lalo na ang mga homegrown boxer sa Pilipinas.

“We would want to leave a parting legacy that will help the professional sports industry in the long run by creating strong linkages with our international partners like IBF,” wika ni Mitra.

Kasabay ng mandato ng GAB na i-regulate ang mga propesyonal na sports at mga atleta, direktang pinangangasiwaan din ng board ang lahat ng boxing event sa Pilipinas, at ang pakikiisa sa international boxing convention ay makapagbibigay ng higit na pananaw sa kung paano mapabuti ang pamantayan ng boxing sa bansa.

“It is important that we participate in such events in order to maintain good relationships within the boxing community that will benefit and provides more opportunities for our boxers,” sabi ni Lagrisola.

Dagdag pa sa pagsisikap ng GAB sa paghahatid ng mga kinakailangang serbisyo sa mga Filipinong propesyonal na atleta, ang board ay bumili ng sariling ambulansya para magamit ng isang emergency response team.

“Considering that some sports such as boxing and MMA expose our athletes to physical injuries, there is really a need to ensure their safety,” dagdag pa ni Lagrisola. (ai/mtvn)

Leave a Reply