Omega naghiganti, RSG PH wala pa ring talo sa MSC playoffs sa Malaysia

Omega naghiganti, RSG PH wala pa ring talo sa MSC playoffs sa Malaysia

Ang RSG PH. (Larawan: Kortesiya ng Manila Bulletin)

Ni Tracy Cabrera

EASTWOOD CITY, QUEZON CITY — Nakabawi ang Omega Esports ng Pilipinas makaraang makapaghiganti sa pagkakalagay nila sa lower bracket ng nagpapatuloy na MSC 2022 sa Malaysia sa kabila ng kanilang pagkatalo sa ikalawang araw ng torneo sa prestihiyosong Malaysia International Trade and Exhibition Center sa Kuala Lumpur.

Umiskor ang Omega kasama ang wala pang talong RSG PH para walisin ang oposisyon ng kanilang mga kalaban para umabante sa MSC 2022 Playoffs.

Nagtala ng 3-0 ang RSG, ang MPL PH Season 9 champion, kontra sa hometown favorite ng Malaysia na Orange Esports para mapaangat sa upper bracket finals showdown laban sa Indonesian powerhouse RRQ Hoshi—isang sagupaang sabik na kinaaabangan ng international Mobile Legends community.
“Good luck to RRQ. Let’s do our best,” wika ni RSG PH coach Giee matapos ang panalo ng kanyang koponan.

Una rito, nagbigay-daan ang Omega Esports para sa kambal na tagumpay ng Pilipinas matapos itala ang hard-to-beat 3-0 sweep sa EVOS SG ng Singapore kaya pumasok na sila sa lower bracket quarterfinals appearance kontra Orange Esports.

Sadyang nagpakitang gilas ang mga Pinoy matapos na muntikang ma-eliminate sa torneo, subalit walang kaba rito dahil matatandaang dating nagbalik ang Omega Esports mula sa lower bracket para sa showdown laban sa RSG PH sa grand finals ng MPL PH Season 9.

“This is what we got, the lower bracket. The upper bracket does not want us. To me, it is the same; be it upper or lower bracket. A strong team is a strong team. We are stronger in the lower bracket,” pinunto ng gold laner ng Omega na si Kelra sa panayam ng Maharlika TV News. (ai/mtvn)

Leave a Reply