Ticketing office ng makasaysayang Metropolitan Theater nasunog

Ticketing office ng makasaysayang Metropolitan Theater nasunog

Ni Benjie Cuaresma

MANILA — Sa hindi pa malamang dahilan ay nagliyab ang ticketing office ng Metropolitan Theater kaninang umaga ng Biyernes (17 June 2022) sa lungsod na ito.

Ngunit dahil sa mabilis na pagresponde ng Manila Bureau of Fire katuwang ang Manila Fire Department at mga volunteers ay agad namang naapula ang sunog na nangyari sa ticketing office nito sa loob ng Metropolitan Theater sa Arroceros, Ermita, Maynila.

Napansin ang sunog dakong alas-8:55 ng umaga at umabot ito sa ikalawang alarma sa himpilan ng bumbero makalipas ang limang minuto.

Alas-9:23 ng umaga naman ng ideklarang fire under control ang sunog na sinasabing nagsimula sa dating opisina ng ticketing office na ginawang barracks ng mga construction workers pero hindi naman apektado ang pinakasentro ng Metropolitan Theater.

Pansamantala naman isinara sa motorista ang kalsada patungong quezon bridge at bahagi ng quiapo para bigyan daan ang mga bumbero upang tuluyang maapula ang sunog.

Wala pa naman inilalabas na impormasyon kung anong dahilan ng insidente hahang wala rin naitala na nasaktan sa sunog. (ai/mtvn)

Leave a Reply