Poultry-raisers nagbabala sa napipintong kakulangan ng manok at itlog

Poultry-raisers nagbabala sa napipintong kakulangan ng manok at itlog

Maaaring magkulang ang supply ng manok at itlog sanhi ng mababang produksyon ng poultry industry. (Photo: Pilipino Mirror)

Ni Tracy Cabrera

MANILA — Pinaalalahanan ang mga consumer sa napipintong kakulangan ng supply ng manok at gayun din ng itlog sanhi ng huminang produksyon sa bansa na bunsod naman ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga patuka at iba pang produktong agrikultura.

Ito ang hinayag ng United Broiler-Raisers Association (UBRA) sa kanilang ulat na humina na umano ang produksyon ng manok sa bansa dahil nag-iingat ang industriya sa kabila ng nagtaasang presyo ng patuka dulot ng sunud-sunod na pagtaas din ng mga produktong petrolyo, partikular na ang gasoline, diesel at kerosene.

Ayon kay UBRA president Elias Jose Inciong, hindi pa bumabalik ang dating sigla ng ekonomiya ng bansa at dahil na rin sa pandemya at pagtaas ng presyo ng langis. Ngunit umaasa silang bababa ang demand ng manok ngayon tapos na ang eleksyon.

“Nag-ingat ho ang industriya. Bukod sa roon, may hamon tayo sa produksyon dahil . . . mahal ang patuka . . . mataas ang krudo,” wika ni Inciong sa panayam ng Maharlika TV News.

“Siyempre mag-iingat ka dahil mas mataas ang tsansang malugi ka ng malaki,” dagdag nito.

Kinatigan naman ito ng Department of Agriculture (DA) na kinumpirmang tumaas nga ang presyo ng manok sa pamilihan at dahil ito sa mababang produksyon.

Tinatayang nasa mahigit P200 na ang presyo ng kada kilo ang presyo ng manok sa ilang pamilihan sa Kalakhang Maynila na mas mataas ng P25 kada kilo nitong nakaraang buwan lang. (ai/mtvn)

Leave a Reply