‘Totoy no more!’ Batangas Kapitolyo nagsagawa ng Operation Libreng Tuli

‘Totoy no more!’ Batangas Kapitolyo nagsagawa ng Operation Libreng Tuli

MANILA — Totoy, no more!

Ito ang sigaw ng 40 na mga kabataang lalaki sa pagsisimula ng Operation Libreng Tuli ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-15 ng Hunyo 2022.

Ang libreng tuli ay taunang aktibidad ng Provincial Health Office, sa pangunguna ni Dr. Rosvilinda Ozaeta, na may tema para sa taong ito na “Totoy no more. Magpatuli para Pogi.”

Pansamantala itong natigil dahil sa pandemya, pero isinagawa nang muli, sang-ayon sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas na tuloy-tuloy na paghahatid ng mga serbisyong medikal sa mga Batangueño.
Ito ay bahagi ng Adolescent Health and Development Program ng PHO na layong matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga Batangueñong kabilang sa adolescent and youth population.
Ayon sa PHO, ang mga nakapagpalista ay nakatakdang makapagpatuli ng June 15 at June 22 hanggang 24, 2022 sa PHO, Lungsod ng Batangas mula alas-9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.
Ang mga nagnanais magpatuli ay maaaring makipag-ugnayan lamang sa PHO upang makapagpalista ng kanilang pangalan at contact number.
(Ogima)

Leave a Reply