CGT ginawaran ng Plaque of Appreciation ng Philip Morris

CGT ginawaran ng Plaque of Appreciation ng Philip Morris

TANAUAN City — Ginawaran ng Plaque of Appreciation ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC) ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Mary Angeline Sweet Halili dahil sa malaking ambag nito upang masungkit ng huli ang pandaigdigang sertipikasyon na Alliance for Water Stewardship (AWS).

Ang AWS Certification ay isang pandaigdigang pamantayan para sa maayos na pangangalaga at pagpapanatili sa mga pinagmumulan ng malinis na tubig gaya ng bukal, ilog, lawa o dagat.

Ang PMFTC, sa ilalim ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR), ay aktibong nangangalaga sa San Juan River sa pamamagitan ng mga makabuluhang proyekto at pakikipagtulungan sa mga komunidad na dinadaluyan ng naturang ilog.

Ginanap ang seremonya ng pag-aaward ng plake sa city government of Tanauan kamakailan.

Personal na pinangunahan ni Mr. Rey Corona (kanan), CSR Manager ng PMFTC, ang awarding ceremony na dinaluhan nina OIC-Admin Rizaldrin Epimaco Magpantay at city inforrmation office chief Gerry Laresma. (Ogima)

Makikita sa larawan na iniaabot ni PMFTC CSR Manager Rey Corona (kanan) ang naturang plake kay Mr. Rizaldrin Epimaco Magpantay, OIC-City Administrator, noong nakaraang araw ng Biyernes, June 17, 2022, sa Mayor’s Office. Nasa larawan din si Mr. Gerry Laresma (kaliwa), ang hepe ng City Information Office. (Ogima)

Leave a Reply