Implementasyon ng Mandanas Ruling ng mga LGU muling binigyan diin sa pulong ng LPP

Implementasyon ng Mandanas Ruling ng mga LGU muling binigyan diin sa pulong ng LPP

MANILA — Muling naging bahagi si Batangas Governor Dodo Mndanas sa talakayan ang patuloy na masinsinang pagtutok sa maayos na pagpapaganap ng Mandanas Ruling.

Ito’y partikular na sa ginanap na 11th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP) noong ika-17 ng Hunyo 2022 sa lungsod na ito.

Kaugnay nito, ipinabatid ni Governor DoDo Mandanas sa mga kasamang gobernador, na bigyan ng pagkakataon ang incoming Marcos administration na maipagpatuloy ang maayos at nasimulan nang implementasyon ng Mandanas Supreme Court Ruling, na nagtatakda ng mas mataas na kabahagi ng mga local government units sa lahat ng mga nalilikom na buwis.

Nagkaisa naman ang mga miyembro ng samahan sa pagbibigay ng tiwala sa susunod na bagong pamunuan ng gobyerno, na tanda ng pakikiisa at pagpapakita ng tuloy-tuloy na pagtataguyod ng layunin ng LPP na maitaas ang pondo ng mga lokal na pamahalan sa bansa nang sa gayon ay matugunan ang mga nararapat na serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Matatandaan na una nang ipinahayag ni Gov. Mandanas, sa kabila ng katatapos lamang na eleksyon at napipintong pagpapalit ng administrasyon, na tuloy pa rin ang kaniyang ginagawang pagsisikap upang lubos na maipaganap ang naipanalong kaso sa Korte Suprema.

Batay sa Mandanas ruling, tataas ang share ng mga local govrnment units ng mula sa 30 hanggang 40 percent ang share nila sa Internal Revenue Allocation.

(Mark Jonathan M. Macaraig/Batangas Capitol PIO/Ogima)

Makikita sa larawan si Batangas Gov. Dodo Mandanas (gawing kanan, naka-barong) kapulong ang mga miyembro ng LPP

Leave a Reply