Dalawang ginang na sangkot sa malawakan bentahan ng droga timbog ng QCPD

Dalawang ginang na sangkot sa malawakan bentahan ng droga timbog ng QCPD

MANILA — Bumagsak sa mga kamay ng awtoridad ang dalawang ginang na sangkot sa malawakang bentahan ng pinagbabawal na droga matapos ikasa ang drug Buy-bust Operation sa lungsod Quezon.

Ang dalawang ginang ay kapwa mahaharap ngayon sa kasong paglabag Sec. 5 at Sec. 11, Art. II ng RA 9165., at kasalukuyang nakalista bilang High Value Individuals ( HVI), at Regional Priority Target.

Sila ay naaresto dakong alas-8:40 kagabi ng Hunyo 21, 2022 sa kahabaan ng Bayani St. Kanto Batanes St. Barangay San Isidro, Quezon City.

Kinilala ang dalawang ginang na sina Fatima Watamama y Betty tubong Maguindanao at kasamahan na si Rowena Gianan y Inocencio kapwa nasa wastong edad

Naaresto sila ng miyembro ng PS 11 SDEU Operatives sa pangunguna ni PLT GLENN F GONZALES sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL RICHARD IAN T ANG.

Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang limang (5) piraso ng medium size heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 105 gramo at may DDB street value na P714,000.00, buy-bust money isang (1) unit na cellular phone na ginagamit sa kanilang mga parokyano.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply