‘Mag-jowa’ tiklo sa drug buy-bust

‘Mag-jowa’ tiklo sa drug buy-bust

Arestado ang mag-jowang sina Rolanda Landa (55) at ang asawa nitong si Rodencio Fernandez (53) sa pagtitinda ng shabu sa Orange St. St. Jude, Purok 2 Barangay San Francisco, Mabalacat City, Pampanga.

Nasakote ang dalawa nitong Huwebes ng gabi matapos malambat sa isinagawang buy-bust operation ng mabalacat police sa pangunguna ni PltCol Bruno.

Nakuha sa mag-asawa ang mahigit-kumulang sa P442,000 na halaga ng shabu. Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Repubic Act 9165.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply