BATAS PARA SA MOTORCYCLE-TAXIs, DELIVERIES NAPAPANAHON NA!

BATAS PARA SA MOTORCYCLE-TAXIs, DELIVERIES NAPAPANAHON NA!

Mahalagang bahagi na ng transportasyon ang mga motorcycle-taxis at deliveries. At sa ganang akin, napapanahon na para magkaroon ng batas para sa ligtas at epektibong serbisyo nito sa tao.

Sa kasalukuyan ay pinapayagan ng DOTr ang motorcycle-taxis sa ilalim ng tinatawag na pilot-test run. Pero sa Kongreso ay may pumasa nang Panukalang Batas para sa regulasyon nito kaya lang ay hindi nakarating sa Malacañang para mapirmahan ng Pangulo.

Sa mahabang panahon na nasa pilot-testing ang pamamasada ay siguradong may konkretong report na para mapagbasehan ng Kongreso para tuluyan nang maisabatas ito.

Sa ngayon kasi ang sabi ng LTO ang two wheel vehicle o motorsiklo ay maaari lamang iparehistro bilang pribadong sasakyan at hindi for-hire liban na lamang kung may side car o yung mga tricycle.

Bagamat ang posisyon ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dito ay – maaari irehistro na for-hire kung may Department Order at mas mainam nang may batas na babasehan.

Ito ang panawagan ng LCSO na i refile na agad ang motorcycle-taxi bill upang maisabatas na ito.

Kasabay nito ay regulasyon din para sa mga motorcycle deliveries para may proteksyon ang riders, customers at maibatas din ang mga pananagutan ng mga providers at kumpanyang pinagsisilbihan ng mga riders kung kinakailangan.

Nararapat lamang ito dahil noong kasagsagan ng lockdown ay naging mahalagang frontliners ang mga delivery riders upang maihatid ang pangangailangan ng mga tao at umikot ang ekonomiya. (ai/mtvn)

Leave a Reply