P1.7B halaga ng shabu nasabat sa QC, Cavite

P1.7B halaga ng shabu nasabat sa QC, Cavite

MANILA — Dalawang magkahiwalay na drug operation ang isinagawa ng mga otoridad sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagresulta sa pagkakasabat ng sandamakmak na iligal na droga sa Quezon City at sa lalawigan ng Cavite na umabot ang halaga sa P1.7 billion.

Umabot sa 40 kilos ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng kapulisan at mga tauhan ng PDEA sa Quezon City at 220 kilos naman sa Cavite na ayon sa mga otoridad ay mahigit sa isang bilyon pesos ang street value.

Kasama ang TF NOAH, Team Navy, PDEG FIELD at PNP 4A-PDEA QCDO, nagresulta ang drug operasyon umaga ng Linggo (03 July 2022) sa kahabaan ng Maria Clara St., Banawe, Quezon City at ang isa naman ay natiklo sa Dasmarinas City, Cavite.

Batay sa report ni PDEA Regional Director Christian Frivaldo kay PDEA Director-General Wilkins Villanueva, nakumpiska ang 40 kilos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272 million, isang (1) unit na android phone; dalawang (2) Covid vaccination ID na may pangalang Cai Jia Zhu, Isang (1) Driver’s License ID, na may pangalang Cai Jia Zhu
at sang (1) Toyota Corolla ang nahuli sa Quezon City.

Kinilala ni Villanueva ang suspek na isang nagngangalang Cai Jia Zhu (41) na residente ng Durian St., Cuevasville Subdivision, Molino III, Bacoor, Cavite.

Samantala, nitong umaga rin ng Hulyo 3, 2022, dakong alas-11:30, nalambat din ang may 220 kilos ng hinihinalang shabu sa Lugar ng Blk 19, Lot 13, Phase 3, Fullana St. Cor. Soriano St., Avida Residences Santa Catalina, Molino-Paliparan Rd. Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa mga otoridad, nagkakahaga naman ng P1.496 billion ang halaga ng naturang droga na nakumpiska kasama na ang tatlong (3) unit na Android phone, isang (1) analog na telepono; isang (1) IOS phone, isang Covid vaccination ID na may pangalang HAI LIN, isang (1) Driver’s License ID na may pangalang HAI LIN na syang gagawin mga ibidensya sa korte.

Naaresto si Hai Lin (41) na residente rin ng Blk 19, Lot 13, Phase 3, Fullana St. Cor. Soriano St., Avida Residences, Santa Catalina, Molino-Paliparan Rd. Dasmariñas, Cavite

Ang mga nakumpiskang kadrogahan ay umabot lahat-lahat sa 260 kilos at may street value na P1.768 billion.

Ang mga suspek ay papatawan ng kasong paglabag sa Art. II ng RA 9165.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply