‘Malaking hamon kay DSWD Sec Erwin Tulfo’

‘Malaking hamon kay DSWD Sec Erwin Tulfo’

Gaya ng kanyang nabanggit sa isa niyang interview, sinabi ni bagong Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na isang hamon aniya sa kanya at sadyang pagtutuunan diumano niya ng pansin ang mga homeless people at mga batang kalye sa Metro Manila.

Lubhang kalunos-lunos ang pangitaan ng mga tinaguriang “street urchins” ng lipunan gaya ng nasa mga larawan na narito, na kahit patirik na ang araw ngayong Martes (July 5, 2022) mahimbing pa rin ang tulog ng batang ito sa ibabaw ng concrete barrier sa E Service Road Sucat, Parañque City kahit napaka-ingay ang paligid ng daang ito.

Sana lang tupdin ng kalihim ang kanyang pangako at huwag mapako dahil lubhang nakakaawa ang pangitain ng mga taong walang tirahan sa buong Kamaynilaan lalo na kapag tag-ulan.

(Peter Lacang/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply