2 HOLDAPER PATAY SA ENCOUNTER SA MAGUINDANAO

2 HOLDAPER PATAY SA ENCOUNTER SA MAGUINDANAO

Ni Arwen Pascua

MANILA — Hindi na nagpahuli ng buhay ang dalawang holdaper makaaang mapatay sila ng mga pulisya na sana’y aaresto lamang sa kanila sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Sisitahin lang sana ng mga pulis ang dalawang suspects na sina Miguel Villadar at Jonathan Solaiman sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, Hulyo 5, ngunit sila ay bumunot ng mga baril at nagpaputok at sa ‘di kalaunan ay napatay sila sa engkwentro.

Una nang nagsumbong ng isang off-duty na security guard na siya ay na-holdap ng dalawang suspects sa Purok Fatima sa Barangay Tamontaka sa naturan ding bayan, mga tatlumpung minuto bago naganap ang insidente.

Ayon kay Col. Christopher Panapan, director ng Maguindanao provincial police, isasailalim sana si Villadar at Solaiman sa mapayapang inspection ng mga pinagsanib na mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station at ng 1st Maguindanao Provincial Mobile Force Company ngunit pumalag na agad ng makitang palapit na ang mga pulis na inatasang hanapin sila.

Ilang beses nang nakapang-holdap ang dalawa sa Datu Odin Sinsuat at mga karatig-bayan nitong nakalipas na ilang buwan ayon sa mga impormante, ilan sa kanila ay mga barangay leaders.

Isa sa kumilala sa dalawa na nagsabi na talagang positibong mga holdaper nga sila ay isang menor de edad na nabiktima rin nila. (ai/mtvn)

Leave a Reply