DSWD chief Erwin Tulfo bumisita sa mga nasunugan sa Gagalangin, Tondo

DSWD chief Erwin Tulfo bumisita sa mga nasunugan sa Gagalangin, Tondo

Personal na nagsadya si Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo upang maiparating ang serbisyong ipinagako ng ahensya sa mga nasunugan ng Gagalangin, Tondo, Manila.

Ipinangako ng hepe ng DSWD na walang kawani sa kanyang departamento ang magiging bastos, masungit, at tamad o gumagamit ng cellphone para sa magshopping online sa oras ng trabaho.

Sinigurado rin ng kalihim na lahat ng dapat mabigyan ng ayuda ay mabigyan sa ilalim ng kanyang “Maagap at Mapagkalingang Serbisyo! ❤” #DSWDMayMalasakit.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply